Review- Bride Wars (in Filipino)

Gerapatani
Rebyu ni Vives Anunciacion
Inquirer Libre January 16, 2009

Bride Wars
Directed by Gary Winick

Eto ang nangyayari when an old idea gets overworked. Every year, merong isa o dalawang comedy na targeted sa female viewers, pero dahil masyado na sigurong madalas kaya nauubos na ang mga ideas. Ok lang kung kakatawa talaga ang palabas. Sa pagkakataong ito, medyo lang.

BFF since childhood sina Liv (Kate Hudson) at Emma (Anne Hathaway), at pareho silang nangangarap ng magarbong June wedding sa sikat (at mahal) na The Plaza Hotel sa New York. Nang magkataong halos sabay mag-propose ang kanikanilang boyfriend, agad nilang kinuha ang services ng pinakasikat na wedding planner na si Marion St. Claire (Candice Bergen).

Magsisimula ang gera ng best friends nang dahil sa isang clerical error ng secretary ni Marion; sabay na mabu-book on the same day ang kasal ni Liv at Emma sa The Plaza. Siyempre hindi uurong ang power attorney na si Liv, at lalong hindi patatalo ang matagal nang nagtitimping schoolteacher na si Emma.

Ang labas, agawan ng bridesmaids, patalbugan ng presentation at pagandahan ng trahe.  Kung dati Best Friends Forever, ngayon para silang Hamas at Israel sa Gaza, at nasa crossfire ang fiancé ni Liv na si Daniel (Steve Howey), fiancé ni Emma na si Fletcher (Chris Platt) at ang younger brother ni Liv na si Nate (Bryan Greenberg). 

Kung napanood niyo ang trailer, yun na yun. Andun na lahat yung buong pelikula. As far as performance is concerned, Hudson is at ease doing comedy. She only needs to smile and the screen warms up, even if she has bad hair and make-up. Hudson gets all the funny lines because she can pull them off, di gaya ni Hathaway na parang hindi pa sanay kahit may ilang comedies na siya (Princess Diaries 1 & 2, Devil Wears Prada, Get Smart).  One joke in particular falls flat (yung kinukwento niya kay Fletcher tungkol sa mga cheerleaders).

Yung kakulangan ng comedy sa side ni Emma ang dahilan sa aking palagay kung bakit binigyan ng siya ng “sidekick” na dysfunctional co-worker played by a known comedienne (Kristen Johnston) at ng minor plot tungkol sa romantic inclinations ni Nate sa kaniya. But the story is really about the strength of relations between best friends Liv and Emma and not about Liv’s younger brother Nate, which is why I think the small plot about the brother is irrelevant.

I seriously think pwede sana si Fil-Am Alec Mapa (who appears in Ugly Betty as showbiz reporter Suzuki St. Pierre) sa role na wedding planner, baka naging nakakatawa pa yung character ni Marion. I found the reactions of the guys totally realistic, dahil na-experience ko na yung mamagitan sa away ng mag-best friend na babae. Pero kung bakit hindi na lang tinuloy na comedy ito ng isang double wedding, hindi ko alam. Lumalabas kasi na napakababaw ng dalawang matalinong babae na pag-awayan ang petsa ng kanilang kasal, lalu na kung tutoong mag-best friend sila.

Sabi ni Liv sa dulo ng movie, “This fight is ugly.” I almost said the same thing about Bride Wars, but it’s really not entirely terrible. Medyo lang. Sometimes it’s funny. But it’s better if women bring their girlfriends instead of their boyfriends to see this movie, kasi, the sight of bridezillas can be horrific to potential grooms.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s