Review- Yes Man (in Filipino)

Yes we can
Rebyu ni Vives Anunciacion
Inquirer Libre January 22, 2009

Yes Man
Direksiyon ni Peyton Reed
Inspired by the memoirs of Danny Wallace

Presidente na si Barack Obama, kaya makisama na sa pagdiriwang ng mga Amerikano sa pagsambit ng, “Yes we can” para sa pagbabagong buhay, lalu na kung puros “no, no, no” ang sinasabi mo last year.

Sa Yes Man, kaka-divorce lang ng loan bank officer na si Carl (Jim Carrey) sa kaniyang asawang si Stephanie (Molly Simms) kaya buong araw siyang nagpapaka-killjoy, nagmumukmok sa bahay, sa opisina hanggang sa pag-uwi. Tuwing iimbitahin siya ng best friend niyang si Peter (Bradley Cooper) sa mga gimik nila, pahirapan pa. Sa lahat ng tanong, “no” ang sagot ni Carl, at mukhang hindi siya masaya sa buhay niya.

Sa pilit ng ilang kaibigan, isang trip sa self-help seminar ni New Age guru Terrence Bundley (Terrence Stamp, yung gumanap na General Zod sa Superman 2) ang magta-transform sa dating “no man” na Carl na maging “yes man” – yes sa lahat ng oportunidad na humarap sa kaniya.

Mismong pagkatapos ng seminar, domino effect ang swerte na darating kay Carl. Ang highlight ay nang makilala niya ang kakaibang si Allison (Zooey Deschanel), at hindi magtatagal ay mahuhulog ang kanilang damdamin sa isa’t isa. Siyempre may catch – eventually Carl will realize na may katumbas na halaga at responsibilidad ang lahat ng bagay na sagutin ni Carl ng “yes,” lalu na yung mga bagay na may kinalaman kay Allison.

Nakatatawa pa rin si Jim Carrey kahit na medyo gasgas na ang mga gags ng Yes Man. Hindi na ito naiba sa mga dating niyang komedya na Liar, Liar at Bruce Almighty, kung saan malalagay ang karakter niya sa isang sitwasiyong hindi niya malusutan kung hindi niya lalampasan ang ilang test. In fairness walang toilet humor sa Yes Man, at naroon pa rin yung brand ni Carrey ng physical humor na nagpasikat sa kaniya. Pinakanakakatawa ang eksena sa building na nag-gitara si Carl. Alam niyo na yun pag pinanood niyo ang pelikula.

Wala akong feelings sa message ng pelikula na live life to the fullest – siguro dahil ilang beses ko na itong narinig. Hindi ko sinasabing mali iyon, sinasabi ko lang na gasgas na ang mensahe. Pero ang nakabawi sa kakornihan ng mga joke sa Yes Man ay yung mellow romance sa pagitan nina Carl at Allison, na mas naging heart-warming sa warmth ng pagkaganap ni Deschanel. Pasado ang pelikula if we consider it a romantic comedy instead of just a comedy. Agaw eksena rin ang veteran kontrabidang si Stamp, who’s amusing to watch making a fun of himself. Kung si General Zod ang self-help guru mo, makakatanggi ka ba sa kaniya?

May kaunti pang katatawanan hanggang sa gitna ng end credits, kaya huwag kaagad aalis ng sinehan. Kung alam mong maiinip ka lang this coming weekend, you have the option of saying yes to Yes Man, but you can also say yes to other things. The important thing is that you do something, rather than nothing.

Advertisements

2 thoughts on “Review- Yes Man (in Filipino)

    • I did say Carrey is still funny. He has been doing these things for some time now, but that goes both positively and negatively. He’s done incredible films like Eternal Sunshine of the Spotless Mind (one of my favorite films of all time). It’s a joy to see him making audiences laugh again, but maybe not necessarily with the same things. Thanks for reading the review! Peace.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s