REVIEW – You Changed My Life & Revolutionary Road (in Filipino)

REVIEW IN FILIPINO

Love = power
Review by Vives Anunciacion
Inquirer Libre, March 20,2009

Taob ang superpowers ng Watchmen sa power-hug ni Sarah. Kung like niyo ang seriousness sa relationship, andyan naman sina Kate at Leo sa Revolutionary Road.

You Changed My Life
Directed by Cathy Molina

Nagbabalik ang pagpapa-cute nina Miggy at Laida sa You Changed My Life, kadugtong ng saksakan ng matagumpay na A Very Special Love noong isang taon.

Ilang buwan matapos mag-rain dance sa gitna ng kalsada, inuulan ng swerte ang mag-bebeh at ang kanilang mga pamilya. Promoted si Laida sa Flippage publishing company at promoted naman si Miggy bilang OIC ng Clean Living laundy company, samantalang lumalago naman ang sapatusan ng mga Magtalas at lumalawak ang empire ng mga Montenegro.

Pero sabay ng mga bagong responsibilidad na ito ang realizations ng magsing-irog na hindi lahat ng bagay sa buhay ay napadadali by simply changing their ring-tones into “bebeh ko.” Ibig sabihin, parehas na mababatukan ng reality sina Laida at Miggy kapag dumating na sa situation na ino-offer si Laida magtrabaho sa Canada, at pupuyatin naman sa trabaho sa Laguna si Miggy.

This small dose of reality is what makes YCML work as a better movie than the first one, because it gives the characters room to grow, with room to spare for a possible 3rd outing. In a way YMCL serves as a small critique of its own genre, since most romantic comedies in the Philippines are just cutesy vehicles for its stars. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa pagpapa-cute lang. In that sense, YMCL is a true improvement of AVSL, making this second trip worthwhile. Both lead stars Geronimo and Lloyd-Cruz are effective in their roles, with the right amount of chemistry and just enough mix for the dramatic and comedic parts. Mikee Cojuangco-Jaworski is a fresh addition as Art’s (Rowell Santiago) ex Cristina.

Revolutionary Road
Directed by Sam Mendes
Based on the novel by Richard Yates

In Revolutionary Road, Kate Winslet and Leonardo DiCaprio reunite in a movie that tries to define how a marriage works (or not work, as the case may be) in 1950s suburban America.

The Titanic stars play young suburban couple Frank and April Wheeler na nakatira sa isang magandang bahay sa kalyeng Revolutionary Road. Di tulad kina Laida at Miggy na matagal ang ligawan, sa ikalawang eksena ng pelikula pa lang, mag-asawa kaagad sina Frank at April, at hindi na sila masaya.

Frank is bored to death working as a copy writer for an office supply company in New York, while April is a frustrated theater actress na nagtitiis sa routine bilang ordinary housewife and mother. Sa gitna ng kanilang mid-life crisis, maiisipan nilang lisanin ang simple nilang buhay at magsimula muli sa Paris. This idea will briefly rekindle the fire between them, pero unti-unting malulusaw ang pangarap na ito when Frank gets a promotion and starts to doubt if the transfer to Paris will really work, at the same time, April only seems to care about leaving for Paris because she’s no longer interested in her married life, in general.

Winslet does remarkable things here, showing how suffocated, confused and angry she is with the ordinariness of her days. Mahusay din si DiCaprio, pero hindi kapantay sa level ni Winslet, kaya minsan lutang ang performance niya versus Winslet na very grounded and palpable.

Ang hindi ko mapigilan ay hintayin kung saan at kalian lilitaw sa eksena sina Ate Vi at Boyet, at parang nanonood lang ako ng sangkaterbang sigawan noong 1980s at 1990s gaya ng sa Relasyon or Broken Marriage (minsan palabas pa ang mga ito sa CinemaOne, try to catch them). May kaunting Celso Ad pa with the mentally unstable character played by Michael Shannon, na siyang nagbibigay ng reality check at social commentary. Parang American Beauty rin ito (na dinirek din ni Mendes), minus the funny moments. In a way, there’s nothing new here except Kate’s great performance.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s