REVIEW- 12 Rounds, Knowing (in Filipino)

Kung kaya mo
Rebyu ni Vives Anunciacion
Inquirer Libre March 27, 2009

SPOILER WARNING, this review may contain spoilers.

Seryoso si John Cena sa bago niyang pelikula. Ganun din si Nicholas Cage. Guess niyo kung sino sa dalawa ang nakakabilib this time.

12 Rounds
Directed by Renny Harlin

Pagkatapos makatakas ng kulungan, reresbakan ng criminal terrorist na si Miles Jackson (TV actor Aidan Gilen) si police detective Danny Fisher (WWE superstar John Cena) by kidnapping Detective Fisher’s girlfriend Molly Porter (Ashley Scott), kung saan dapat tapusin ni Baxter ang 12 challenges para sa kalayaan ni Molly.

Palaki nang palaki at pahirap nang pahirap ang mga challenges kay Fisher, mula sa pag-drive ng firetruck nang mabilis hanggang sa pag-solve ng puzzle kung saan talaga nakatago si Molly. Natural may lag time at boring portions sa pagitan ng Rounds 1 at 12, lalu na kung hinihintay mo na lang ang Round 12 hangga’t hindi nana-“knock-out” ni Fisher ang kaniyang kalaban.

Ang okay sa 12 Rounds ay hindi OA ang drama at hindi OA ang action – alam ng filmmakers na hindi tutoong actor si Cena, at dahil he’s very bulky, hindi rin siya bagay sa Bourne-type action. Pero mahusay ang build-up ng suspense, believable ang stunts at sumatotal, hindi masagwa ang pelikula. Actually ang hindi ko gusto ay yung acting ng kontrabida, pero kontrabida naman siya kaya dapat lang siyang kainisan.

Knowing
Directed by Alex Proyas

This one is really disappointing, kasi ang director nito ay ang promising director ng I, Robot at Dark City. It’s a confused sci-fi / horror disaster flick that mashes supernatural horror, the Bible’s Four Men of The Apocalypse, UFOs and Aliens. Meron tayo nito dito sa Pilipinas – si Father Tropa at ang kaniyang Spaceship 2000.

Matatanggap ni Caleb (Chandler Canterbury) ang isang pirasong papel kung saan nakasulat ang maraming numero. Madidiskubre ni astrophysicist John (Nicholas Cage), ama ni Caleb, na ang mga numero ay lista ng mga petsa at location ng mga major world disasters, kasama na ang September 11 New York bombing. With this information, susubukan ni John na bigwan ng warning ang mga posibleng madamay sa sakuna. Pero mahihirapan si John lalu na kapag buhay na ng kaniyang anak ang nakataya.

Pwede na ang suspense, mukha namang may budget at nagastusan ng matino ang effects kung saan nakakabilib ang destruction sa mga disaster scenes. But are we supposed to applaud in these scenes of death and destruction?  Kung disaster flick lang ang pelikula, tigilan na yung fake debates about science vs. religion. Pero kung gayun man, ano ba talaga ang mga Whisperers – angels or aliens? At ano yun sa ending, Tree of Knowledge?

I know what this movie is. Hindi ko ‘to kinaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s