REVIEW – New Moon (review in Filipino)

REVIEW IN FILIPINO

Meh ganon
Rebyu ni Vives Anunciacion

Inquirer Libre November 27 2009

The Twilight Saga: New Moon
Directed by Chris Weitz

Para sa mga magulang, iispelingin ko na po, dahil parang walang gustong magsabi ng dapat sabihin.
Sa ikalawang pagkakataon pagkatapos ng saksakan nang matagumpay na aklat at pelikulang Twilight, inuulit ni Bella Swan ang pinakamimithi niya.

“Kiss me,” sabi ng teenager. Basahin niyo ulit ang mga aklat at panoorin ang pelikula, bilangin niyo kung ilang beses niya ito sinabi, at pagkatapos ay ipaliwanag sa mga dalagita ninyo kung bakit ganun na lang ang pangangati ni Bella. Alam niyo na ang ibig kong sabihin, at iyon ang nakagugulantang. Aklat at pelikula itong sinadya para dapat sa mga teen-ager. Pero ang subtext ay R18.

Sa ika-18 na birthday ni Bella (Kristen Stewart), isang aksidente sa bahay ng mga Cullen ang puputol sa paglalandian ng love team at maghuhudyat kay Edward (Robert Pattinson), sa utos na rin ng amaing si Carlisle (Peter Facinelli), na lisanin ng pamilyang Cullen ang Forks, Washington at iwan niya ang kasintahan.

Siyempre devastated at depressed si Bella, at ang susunod na isang oras mahigit ng pelikula ay pagsasadula kung paano mag-adjust si Bella sa pagkawala ng kaniyang pinakamamahal.

Andiyan ang tumitig sa bintana nang matagal (alam kong illustration lang ito pero iyon ang punto – wala siyang ginawa nang ilang buwan.) Naisipan din niyang sumama sa isang estranghero kahit na obvious kung ano ang pakay nito sa kaniya. Sumakay din siya sa motorsiklo nang walang suot na helmet, na muntik na ika-bagok ng kaniyang ulo. Buti na lang andiyan ang bago niyang manliligaw na si Jacob (Taylor Lautner), para maghubad at idispley ang kaniyang maskuladong katawan kay Bella. Ayaw yan ni Edward.

Ang huli niyang gagawin ay tumalon sa bangin at mag-dive sa dagat. Sa Italy, akala ng powers ni Edward, namatay na si Bella. Magpapakamatay sana si Edward sa harap ng madlang pipol, pero sa tulong ng kapatid niyang si Alice (Ashley Greene), mapipigilan ni Bella si Edward. Hindi pa iyon ang happy ending, mas nakagugulat pa doon.

Ang mga eksena kung saan nilagay ni Bella ang kaniyang sarili sa kapahamakan ay mga paglalarawan sa nararamdaman niyang angst at depression. Ginawa niya iyon dahil gusto niyang may mangyari sa katawan niya, dahil walang nangyayari sa kanila ni Edward.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ito mapansin ng mga nakatatandang manonood, at dapat R13 ang palabas imbes na PG13. Tungkol sa teenage sex and hormones ang kasalukuyang dalawang Twilight movies, at magiging mas masalimuot pa ito sa Twilight Saga: Eclipse kung saan marriage, pre-marital sex at teen pregnancy ang mga issue. Hindi ito malayo sa palabas sa telebisyon na Katorse, ang kaibahan lang ay ipinapakita sa TV ang paghihirap no Nene bilang isang disgrasyada.

Sa Twilight, gwapo at palaging naghuhubad ang mga lalaki. “You’re sorta beautiful,” sabi ni Bella kay Jacob. Hay nako.

Advertisements

3 thoughts on “REVIEW – New Moon (review in Filipino)

  1. d ba mas mganda pag maexpose ang mga kabataan sa mga gaaoon oing mga issue.
    alam ko pong hindi po kayo nasasayahan sa perlikula. Hindi naman po iyon kasi ginawa para sa mga taong wala pang alam tungkol sa istorya at kung paano tatajbo ang istrorya ng twilight. Books.. Pang teen agers iyon.. hindi pang matanda.. Sa amin naman pong mga teenagers thrilling po ang storya niya.. nakakakilig.. at huwag na huwag niyo po ikumpara ang new moon sa katorse, dahil likas na mas malandi ang katorse.
    At least vampire si edward..

    • Hello bernicejoy_daguna,
      Una’y nais kong magpasalamat na binigyan mo ng panahong basahin ang aking rebyu. Pang-ilan ka lang sa karampot na nagbabasa ng mga sinulat ko. Ikalawa’y salamat din na minarapat mong ibahagi ang iyong opinyon, kahit taliwas ito sa aking pananaw. Kung mapapansin mo dito sa blog, hindi madalas na may nagko-comment sa reviews ko.

      Kung iyong mamarapatin, sasagutin ko lang ang mga puntos na iyong binanggit. Pwede mong hindi pansinin ang mga ito, karapatan mo iyon. Pwede ring basahin mo ang mga ito ulit at pag-isipan. Hindi kita pinipilit na sumang-ayon sakin, at gayun din, hindi ko kailangang sumang-ayon sa iyo.

      d ba mas mganda pag maexpose ang mga kabataan sa mga gaaoon oing mga issue.

      1. Hindi ako sure kung maganda ang “exposure”, lalu na kung ang ibig sabihin ng “exposure” ay “walang saplot.” Pero kung ang ibig mong sabihin ay magandang namumulat ang kabataan sa iba’t ibang issue, ok lang iyon. Wala itong kinalaman kung maganda o pangit ang pelikula.
      2. Hindi trabaho ng pelikula ang mangaral, wala itong kinalaman sa paggawa ng pelikula. Maganda kung maganda ang pelikula, pangit ito king pangit – pero walang kinalaman dito kung meron itong moral lesson o wala. Bilang kritiko ng pelikula, hindi lang ng pelikulang Pilipino, karapatan kong sabihin na wala sa diksyunaryo o manual ng paggawa ng pelikula ang nagsasabing kailangang may moral lesson ang pelikula. Pansinin mo ang lahat ng awards sa ibang bansa, walang award para sa “moral values,” pwera dito sa Pilipinas.

      alam ko pong hindi po kayo nasasayahan sa perlikula. Hindi naman po iyon kasi ginawa para sa mga taong wala pang alam tungkol sa istorya at kung paano tatajbo ang istrorya ng twilight. Books.. Pang teen agers iyon.. hindi pang matanda..

      1. Basahin mo ulit ang rebyu ko. Sabi ko doon, (quote)”Tungkol sa teenage sex and hormones ang kasalukuyang dalawang Twilight movies, at magiging mas masalimuot pa ito sa Twilight Saga: Eclipse kung saan marriage, pre-marital sex at teen pregnancy ang mga issue. “(unquote) Sinulat ko ito para ma-recognize ng aking readers na nabasa ko na rin yung mga libro. Hindi ko lang pwedeng ilahad ang lahat, dahil maraming readers ng Libre ang hindi pa nakabasa ng Twilight series. Alam kong magkakaroon ng anak sina Bella at Edward. Ilang taon nga ulit si Bella nang magka-anak? Hindi porke’t pang-teenager hindi na namin babasahin at panonoorin. Trabaho namin iyon, lalu na’t kung Adaptation ng isang aklat ang isinapelikula.

      Pero tama ka doon – pang teenager siya at hindi pang-matanda. Marahil sa iyo nakakakilig ang Twilight series. Hindi ko iyan matatanggal sa iyo. Kaya nga sa simula ng aking rebyu, itinuon ko na ang aking sinulat para sa mga magulang. Basahin mo ulit.

      at huwag na huwag niyo po ikumpara ang new moon sa katorse, dahil likas na mas malandi ang katorse.

      1.Karapatan kong ikumpara ito sa pinakamalapit na pagkukumparahan, ang tawag doon ay paglalaan ng perspektibo, para maintindihan ng nagbabasa kung ano ang pinanggagalingan ko. Maaaring hindi ka sang-ayon doon, pero hindi mo pwedeng tanggalin sakin iyon. Trabaho ko iyon.

      2. Gusto ko lang i-point-out ang double standard mo. Sa simula ng iyong comment, sabi mo di ba mas maganda na ma-expose ang kabataan sa mga issue. Iyan mismo ang punto ng palabas ng Katorse – ang turuan ng responsibilidad ang kabataan. Biruin mo, katorse años pa lang, buntis na, nanay na. Bakit ayaw mong ikumpara ito sa Twilight? Dahil “malandi” ang Katorse? Sa palagay mo, hindi malandi si Bella? sa uulitin, trabaho kong ikumpara ito sa nararapat na pagkumparahan, at sa aking pananaw, parehasa lang na lumandi sina Neneng at Bella.

      At least vampire si edward..

      Interesado ako kung paano mo ipapaliwanag ito. At least ano? Sumisipsip ng dugo si Edward? Na imortal siya, therefore panghabambuhay ang pag-ibig niya? Na nag-iis-sparkle siya? Paki paliwanag ang ibig mong sabihin sa “at least vampire si Edward.”

      Sa uulitin, pwede mong hindi na pansinin ang matanda kong pananaw. Paminsan-minsan naman nagugustuhan ko ang ibang palabas na pambata, at sana huwag kang mag-sawang magbasa ng Libre, kahit huwag na yung sa akin.

      Isang taus-pusong salamat!
      Vives

  2. hahaha! TWILIGHT fan ako at dapat awayin ko ang mga haters pero natawa at nag enjoy ako sa rebyu mo. it made my day! hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s