Concert recap – Timbaland feat. Timberlake in Manila

Timber land
ni Vives Anunciacion
Inquirer Libre March 31, 2010

(THIS ARTICLE IS WRITTEN IN FILIPINO/ TAGALOG)

Lampas hatinggabi na nang matapos ang Changing Lives featuring Timbaland: The Shock Value Tour II concert sa SM Mall of Asia concert grounds noong Sabado. Halos tatlung oras ang palabas, kaya kung merong mas susulit pa sa sulit, eto na ‘yon.

Unang pinainit ang entablado ng grupong O.N.E at World Hiphop champions Philippine All Stars nang kanilang yugyugan nang matindi ang “Mainit” around 8:30pm. Pagkatapos ay binigyang daan muna ng organizers ang paggunita ng Earth Hour at opisyal na sinimulan ang concert bandang 9:30. Good points sila diyan.

Karamihan sa inawit sa concert ay mga cut mula sa bagong album ni Timbaland na Shock Value II, kung saan nakipag-collaborate ang rapper-producer sa iba’t ibang sikat performers. Parang naroon na rin sa stage yung mga ka-duet ni Timbaland dahil naka-project sa tatlong screen kung sino ang kasama niya sa kanta.

Todo sing-along naman ang audience sa “If We Ever Meet Again” kung saan ka-duet ni Timbaland si Katy Perry na kamakailan lang ay nagconcert rin dito.

Sa “Lose Control” nakipag-duet naman live onstage with Timbaland ang guest na si Jojo bago ito umawit ng isang solo number. Nagpakitang-gilas din sa pag-rap at pag-perform ang nakababatang kapatid ni Timbaland na si Sebastian. Napansin tuloy namin sa audience na kailangan ni Timbaland ang mga kasama sa pag-perform dahil parang hapong-hapo na siya doon pa lang sa unang medley. Kasabay ng pagbaba ng energy ni Timbaland ang pagbaba rin ng energy ng audience. Naisip namin ng kasama ko na baka dapat may back-up dancers si Timbaland, at least kung dito siya sa Pilipinas magpe-perform.

Habang nagra-rap si Timbaland sa kantang “Apologize” (kung saan naka-collaborate niya ang OneRepublic), may sumasagot sa kaniya mula sa backstage. Pinatigil ng rapper ang kanta at tinanong ang audience, “Y’all heard JT, dontcha?” Isang kanta pa bago nagpakita sa stage ang pinakahihintay ng 80,000 na nanood ng concert.

Sa chorus ng kantang “Carry Out” lumabas sa stage si Justin Timberlake kasabay ng walang tigil na sigawan. Mahigit sa walong kanta ang ni-rap, sinayawan ng solo, tinugtugan ng piano at bineatbox ng pop superstar mula sa mga album niyang Futuresex: Lovesong at Justified.

May mga projector screens na paminsan-minsay pinapakita ang mga artistang nanood. Ilan lang sa mga nakita namin sa screen ay sina Gary V., Billy Crawford, Shaina Magdayao, Carla Humphries at Raymond Gutierrez.

Pagpatak ng alas-dose akala namin ay tapos na ang palabas. Wala na sa stage si JT at pahapyaw nang nagpapaalam si Timbaland. Ilang saglit pa’y bumalik sa stage si Timberlake, tumalikod at sinabing, “I’m really tired of this (song), but I’m doing it ‘cuz I love y’all.” Nang magsimula ang tugtog ng “Sexy Back” walang dudang ito ang naging finale ng show. Pagkaharap ni JT sa audience sa mga unang salita ng kanta, sumabay sa mga sigawan ng tao ang pagsabog ng magarbong fireworks display sa kalangitan ng kabilang dulo ng concert grounds.

Balik ka na, JT, we love you too.

Ang Changing Lives Featuring Timbaland Shock Value II Tour benefit concert ay para sa mga biktimang nasalanta ng mga nakaraang bagyong Ondoy at Pepeng.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s