REVIEW- How To Train Your Dragon

Funtasy
Review by Vives Anunciacion
Inquirer Libre March 26 2010

(MOST OF THIS REVIEW IS IN FILIPINO/ TAGALOG)

How To Train Your Dragon
Directed by Dean DeBlois, Chris Sanders
Loosely based on the book by Cressida Cowell

In the far-away island of Berk, a young Viking discovers that he can make friends with enemies and play with them too. Train your eyes in 3D with this family- friendly adventure.

Si Hiccup (as in sinok, voiced by Jay Baruchel) ay isang teenage Viking sa far away village ng Berk. Karaniwan lang sa mga villagers ng Berk ang kalabanin ang iba’t ibang uri ng mga dragon na sumasalakay sa baryo nila. Pero di tulad ng kaniyang matipunong amang si Stoic (Gerard Butler), ang village leader ng Berk, patpatin si Hiccup at mukhang hindi papasa sa Dragon Slaying school.

Everything the Vikings of Berk know about dragons will change when Hiccup finds the rare Night Fury dragon he will call Toothless. Sa tulong ng imbensiyon ni Hiccup, mabubuo ang pagkakaibigan ng teenager at dragon. Dahil taliwas ito sa kinagisnan ng mga Viking, kakailanganing itago ni Hiccup si Toothless bago pa ito masaktan ng mga mandirigma. Pero sa huli, this friendship between Hiccup and Toothless will end the dispute between man and beast.

Directed by Lilo & Stitch creators, How To Train Your Dragon is actually a mild drama about a teenager’s angst to find his own purpose in life even if it’s different from his family’s tradition and culture. Nilagyan lang ng kakatawanan kaya gumaan ang pelikula, pero hindi ito full comedy di tulad ng karamihang animated movie ngayon. Hindi ko nabasa ang mga aklat, pero ayon sa Wikipedia, may kalayuan ang kwento at characters ng mga aklat kumpara sa movie version.

Ang maganda rito – maliban sa magandang visuals at cute characters na parang dinisenyo na maging lauran talaga – ay mahusay ang timpla ng kwento ni Hiccup at ng adventure nila ni Toothless, kaya buo ang kwento pero hindi kulang ang excitement. Kung kwento na rin lang ang pag-uusapan, hindi masyadong orihinal ang konsepto – para itong isa o dalawang chapter sa aklat na Harry Potter.

Kailangan ko lang ulitin ang panood ng pelikula dahil hindi ko masyadong naintindihan ang makapal na accent ng mga character, lalu na ni Gobber (voiced by stand-up comic Craig Ferguson). Hindi ko tuloy nakabisado ang mga pangalan ng mga uri ng dragon. Paano ko kokolektahin ang mga toys kung hindi ko kabisado ang alin ang alin, di ba? Isa pa ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s