REVIEW – The Red Shoes (in Filipino)

Trivial pursuit
Rebyu ni Vives Anunciacion
Inquirer Libre March 15, 2010

The Red Shoes
Direksiyon ni Raul Jorolan

Karamihan sa tauhan ng The Red Shoes ay mahilig sa trivia. Kung naging dalawa lang ang tauhan nito, para kang nanonood ng nagtatapunan ng mga datos at kaalaman sa history at social studies.

Ang simula ng pelikula ang mga maliliit na impormasyon na bumabalangkas sa pelikula: 1986 nang maganap ang People Power, sampung taon pa lang noon si Lucas nang mapadpad siya sa sisidlan ng tanyag na koleksiyon ni Madam Imeldific. Doon nakuha ni Lucas ang isang pares ng pulang sapatos. Ang kanang sapatos ibinigay niya sa ina, ang kaliwa sa kaniyang pers lab na Bettina. Dalawa sanang pares ang kaniyang kukunin, pero tinamaan siya ng takot.

Kung bakit niya ito nagawa, isasalaysay ni Lucas (Marvin Agustin) – pati na rin kung bakit hindi si Bettina (Nikki Gil) ang kaniyang kasintahan, at kung bakit pumupunta pa rin ang kaniyang ina sa ispiritista para kausapin ang asawang isa sa mga natabunan (tinabunan?) ng kungkreto sa construction ng Manila Film Center ni Madam Imeldific.

Maganda ang konsepto, interesting. If there’s anything that the movie succeeded in accomplishing, apart from good lighting, is to keep the narrative non-linear. Mapipilitan kang buuin ang pelikula para mapag-tagpi-tagpi mo ang mga hibla ng naratibo. That is not to say the movie is engaging – dahil sa ilang beses sa aking panonood, muntik na kong magwalk-out. Uso yon ngayon.

Historical event ang framework ng concept – indeed, its original title is “2999” back when the concept was among the finalists of Cinemalaya 2008, its title alluding to one missing pair from The Imeldific’s collection. That does not make it a great movie.

It can’t be editing. Hindi dahil non-linear ang kwento mahusay na ang kabuuan ng pelikula. The movie is monotonous – walang high, walang low, at wala akong naramdaman (tuwa, aliw, inis, awa) para sa mga tauhan. Sound levels are terrible. On its own the original music is good, pero bilang musical score, it’s literal and spoon-feeding.

TV acting, primarily from Liza Lorena as Lucas’ mother. Agustin, while observing restraint, has shown the same levels of intensity in his past movie “Kutob.” Kung merong magaling na performance dito’y kina Nikki Gil at Tessie Tomas. At least Tessie Tomas knows her character is a caricature (what else, but an Imeldific impersonator?). Dear Ms. Gil, please avoid telenovelas as much as you can. You haven’t been bitten by the Bad Habits Bug yet.

Alam kong hindi intensiyon ng dayalogo na maging mariin sa pulitika, pero hindi benta sakin ang tsinelas ni Rizal, ang hustisya para sa mga natabunan sa Manila Film Center, ang putol na bridge ng magkasintahan, at ang nag-iisang romantic scene (hindi romance, romantic) na nauwi sa “wag mong iiwan ang Republika ng Pilipinas” – na para bang gustong ihagis ng filmmakers ang sapatos ng Edsa sa ilog ng limot nang sa gayon ay maka-move-on na tayong mga Pinoy sa ating kinalulugmukan, hence the ending scene.

Dabat ba akong magsaya dahil maraming layers ang naratibo? Iyon yata ang problema ko sa The Red Shoes – the movie may be technically proficient, pero hindi rin ako nasiyahan rito. Next?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s