REVIEW – Hereafter (review in Filipino)

Hula ko lang

Rebyu ni Vives Anunciacion

Inquirer Libre January 20, 2011

Hereafter

Directed by Clint Eastwood

Some dialogue in French, with English subtitles

Si Tatang talaga, gusto pala gumawa ng French film. Yun lang parang kinulang ang vibes. Di bale, marami naman siyang nagawang magandang pelikula, pwede na itong itago sa ilalim ng koleksyon.

Madalas ang mga bida ng mga pelikula ni Tatang Clint ay iyong may strength of character – malalakas ang dating – yun tipong maaalala mo kahit na tapos na yung pelikula, gaya ng mga characters nina Hillary Swank sa Million Dollar Baby, o ni Sean Penn sa Mystic River o kaya ni Angelina Jolie sa Changeling. Ganun din siya bilang aktor at director sa Unforgiven at Gran Torino.

Walang ganito sa Hereafter, ang pelikulang pagninilay ni Clint Eastwood kung paano naaapektuhan ang buhay ng mga buhay kapag may namamatay.

Isang broadcast journalist ang French actress na si Cécile De France na magkakaroon ng out-of-body experience matapos maging biktima ng tsunami sa Bali, ang twins na Frankie at George McLaren ang magkapatid na Jason at Marcus paghihiwalayin ng isang aksidente, at si Matt Damon naman ang psychic na George Lonegan na kumakausap sa ispirito ng mga patay upang tulungan ang mga buhay. Dapat gets niyo na kung ano silbi ni Lonegan kina Marie at sa kalahati ng twins.

Tulad ng isang French film, madaldalin ang pelikula at ang idinadaldal ay mga karaniwang isyu ng buhay – career, pera, love life, kahirapan – pero ang tutoong subtext ay kung paano kakayanin ng mga buhay (or in the case of the French journalist, nabuhay pagkatapos mamatay) ang pagkawala ng mga pinakamamahal nila.

In this sense tagumpay si Tatang sa kaniyang attempt gumawa ng isang multi-character French film na relationship-based ang kwento at walang melodramatic dynamics na typical sa Hollywood. Pero pwera roon, wala na. Hindi memorable ang characters, wala yung typical strong character ng mga pelikula ni Eastwood. Pati yung climax na magkikita na silang tatlo parang walang epek.

At kung pagninilay ito tungkol sa kabilang buhay, para ka lang nagnilay kung dadaan ka muna ng bakery bago umuwi habang naghihintay sa pagdating ng tren ng MRT. Pagdating ng tren, ang iisipin mo na ay sana huwag kang madukutan.

Ok lang Tatang, idol pa rin kita bilang director.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s