REVIEW – The Green Hornet (review in Filipino)

Bida-bidahan

Review ni Vives Anunciacion

Inquirer Libre

The Green Hornet

Directed by Michel Gondry

Isa sa favorite toys ko nung bata ako ay yung Superman action figure ko na nilalaro ko kahit sa opisina ng mommy ko after school. Di malayo sa eksena ng batang anak ng media mogul sa The Green Hornet, except doon naging superhero si Britt Reid at ako hindi. Teka, dapat pala hindi si Seth Rogen ang bida.

First time sa big screen ang former radio show The Green Hornet, na sumikat noong 1960s sa telebisyon kung saan nakilala si Bruce Lee bilang sidekick na si Kato. Pilipino pa ang karakter niya noon imbes na Hapon, palibhasa’y katatapos lang ng World War II at hindi pwedeng ipakita ng Hollywood na inaalila ng mga Amerikano ang mga Asyano. Maliban sa atin, kasi tatanggapin naman natin ang kahit na anong Stateside, diba? Bahala kayo.

Cut to, ang komedyanteng si Seth Rogen ang bagong Britt Reid, ang iresponsable, pariwara at playboy na anak ng isang Los Angeles media mogul (Tom Wilkinson). Nang biglang mamatay si rich daddy, hindi alam ni Britt ang gagawin sa minanang newspaper The Daily Sentinel, pati kung paano magtimpla ng masarap na kape. Diyan papasok si Kato (Jay Chou) ang multi-talented martial-arts, weapons specialist and barista. This time Intsik si Kato, from Shanghai.

Para hindi siya makonsensiya kung gaano kawalang-silbi ang kaniyang buhay, magpapanggap si Britt bilang kriminal na may layuning ubusin ang ibang kriminal gamit ang pera ni dead daddy, ang pahayagang Sentinel at siyempre ang skills ni Kato. Katulong nila ang magandang matalinong secretary na si Lenore (Cameron Diaz).

Siyempre, merong criminal mastermind (si Chudnofski, played by Academy Award nominee Christoph Waltz) na hahadlang sa paglalaro ni rich boy.

Maingay, maaksyon at higit sa lahat mahirit ang pelikula – yung tipong madaldal na hirit ng isang maangas na rich boy na akala mo siya na ang pinaka sa lahat. Yan ang karakter ni Seth Rogen. At iyan ang problema ng pelikula na entertaining na sana panoorin.

I’m a big fan of the director, Michel Gondry na siyang dumirehe ng cult-classic love story Eternal Sunshine of the Spotless Mind. And judging from what I saw in The Green Hornet, entertaining action comedy romp naman ang resulta ng paghahaluhalo ng mga elements ng original TV series, mga 1980s buddy cop comedies at kaunting comic book elements kasama na ang mga intentional continuity errors. Look closely at the split-screen effect of one scene at pag-iisipan niyo kung paano nila ginawa ang eksenang iyon.

Ok naman sana lahat, in fact, nakaw eksena ang Taiwanese superstar Jay Chou, na pinaglaanan ng kwento para ma-emphasize ang partnership ng Green Hornet at ni Kato at hindi siya sidekick lang. One-fourth of the time it’s funny.

Problema lang talaga ay si Seth Rogen, na una’y hindi magaling na aktor para gawing charming ang nakaiiritang spoiled brat niyang karakter, ikalawa’y hindi siya mukhang rich spoiled brat at lalu na hindi siya mukhang rich spoiled brat na nagkaroon ng malasakit at naging isang street hero. Madaldal lang siya. Hindi naman siya pwedeng palitan, isa siya sa producers ng pelikula.

Next time, pwedeng pelikula muna ni Kato?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s