REVIEW – I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO sila! (review in Filipino)

Ating tugtugin
Rebyu ni Vives Anunciacion
September 2, 2012

I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO sila!
Written and Directed by Chris Martinez
Inspired by the music of Apo Hiking Society

Kung tutuusin, ito na yung tinatawag ng kabataan ngayon na classic pinoy dahil sa dinamirami na ng revivals, maituturing nang lumang tugtugin ang musika ng Apo Hiking Society. Salamat na lang at humirit pa sila ulit. Salamat po sa inyong lahat.

Tungkol ito sa magkasintahang napaaga ang preparasyon sa kasal dahil hindi sila nag-RH (gets?) Ang abag na pamilyang Polotan ay abalang naghahanda para sa pamamanhikan ni Rock (Sam Concepcion) sa sossy pamilyang Fuentebella ni Tracy (Tippy Dos Santos.)

Isang one-hit-wonder composer si Pol (Ogie Alcasid) at habang naghihintay siya ng inspirasyon sa susunod niyang pop hit, lumalagare ang misis niyang si Rosie (Eugene Domingo) bilang caterer. Sa gawi naman nina Tracy, ilang gate ang kailangang tawirin muna bago marating ang main mansion ng kanilang Farm – basta very rich sina Nic (Gary Valenciano) at Elaine (Zsa Zsa Padilla.)

Ang problema ay kung paano magkakasundo ang dalawang pamilya sa ganitong sitwasyon. Pero dahil Pinoy tayo, anu man ang mangyari, ang lahat nadadaan sa kantahan.

Sa simula pa lang ay tatatak na ang masayahing tempo ng pelikula (Doo Bidoo.) Romantic ang mga eksena ng magsyota sa mga kantang Panalangin at Ewan. Para sa akin, overplayed ang kwento ni best friend Brent (Neil Coleta) (Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba) pero nabawi naman pagdating sa Kaibigan. Sayang para sa akin ang Nakapagtataka dahil sumobra sa editing at nawalan na ng damdamin ang kanta.  Huling-huli naman ng eksena ang nakaantig na mensahe ng awiting Batang Bata Ka Pa. At tiyak titilapon sa katatawa ang nanonood sa Di Na Natuto.

Jukebox musical ang I Do Bidoo, na maituturing isang tribute sa musika ng Apo Hiking Society na nagbigkas sa damdaming Pinoy sa maraming dekada. Malinaw ang agos ng pagkakatahi ng kwento sa mga kanta. May ilan lang na hindi pino ang pagtawid ng isang kanta papunta sa susunod. At sadya lang madilim o hindi malinaw sa paningin ang maraming eksena. Pero panalo ang choreography at costume.

Maaari nang asahan si Martinez na sumulat ng Kimmy Dora 1&2 at Babe sa Septic Tank. Madaling magustuhan ang mga kanta sa palabas lalu na’t hindi nawala ang mga ito sa radyo hanggang ngayon. Kapansin-pansin ang kumpas ng direktor sa husay ng mga nagsiganap. Napabilib ako kay Concepcion na nadala ang buong pelikula. Yun lang ay may ilang eksenang hindi consistent, gaya ng sa dalagitang si Dos Santos na bumabalik sa theater acting tuwing nagdadrama.

Miss ko tuloy ang Sa Linggo nAPO Sila. Yun siguro ang kaibahan ng OPM, hindi naluluma. Saglit lang, at ako’y magre-rewind.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s