REVIEW – People Like Us (review in Filipino)

Magkadugo
Rebyu ni Vives Anunciacion
August 16 2012

People Like Us
Directed by Alex Kurtzman
Screening exclusively in Ayala Cinemas

Pagkaalam ni Sam (Chris Pine), nag-iisa lang siyang anak ng kaniyang mailap na record producer na ama. Sa una’y hindi niya maintindihan kung bakit nagpamana ito ng malaking halaga ng pera sa isang tao na hindi kilala ng anak. Kaya iyon na lang ang gulat niya nang madiskubre niyang ang nagmana ay pamangkin niya sa isang kapatid sa labas, si Frankie (Elizabeth Banks.) Pakiramdam ni Sam ay hindi niya kailangang ibigay ang pera dahil hindi naman sila magkakilala, ngunit habang sinusundan niya ang buhay ni Frankia at ng pamangkin (Michael Hall D’Addario), lalu niyang maiintindihan na mas kailangan ng tulong ng mag-ina. Ang problema ni Sam ay kung paano niya ipakikilala ang sarili sa kapatid, at kung paano itatago ang kaalamang ito sa kaniyang nanay (Michelle Pfeiffer.)

Bunso ako sa aming magkakapatid, kaya wala sa karanasan ko ang mag-alaga ng nakababata sa akin. Sa gayong paraan naiintindihan ko ang curiosity ni Sam na makilala ang nawawalang kapatid. Paano nga ba uunawain ang taong hindi mo kilala? Sinubukan ng pelikula na himaymayin ang mga dahilan kung ano ang mga nag-uugnay sa kadugo – the ties that bind us, ika nga sa Ingles.

Sa gayong pagtanaw naiaangat ng People Like Us ang kanyang pangkaraniwang melodrama tungkol sa broken families upang pag-usapan ang pasikuy-sikoy ng relasyong pamilya nang may bahid ng katotohanan.

Pakiramdam ko tuloy ay nanonood ako ng pelikula ni Jade Castro, direktor ng Endo, Zombadings , My Big Love at My Kontrabida Girl. Tatak kasi ng kaniyang mga pelikula ang maliliit na character moments kung saan nagkakaroon ng hulma ang pagkatao ng mga karakter sa pelikula sa dialogue at chemistry ng mga aktor. Ito rin ang strength ng People Like Us. 

Ngunit tulad ng tutoong buhay, hindi perpekto ang pelikula. Marahil hindi kakulangan mayroon ang naratibo kundi kalabisan – over-familiarity – sa paglalahad ng sari-saring kumplikasyon na namamagitan sa magkakapatid at sa kanilang mga magulang, gamit ang mga sitwasyon at mga karakter na napanood na natin sa sandamakmak na teleserye. Kahit siguro baligtarin ang kwento at tignan ito mula sa pananaw ni Frankie, halos ganoon rin siguro ang kalalabasan, liban na lang kung may karagdagan pang komplikasyon.

Buti na lang mahuhusay ang mga aktor, buti na lang hindi sila nagsisigawan. At higit sa lahat, buti na lang nagtimpi ang direktor na timplahin ang palabas upang hindi na mag-umapaw ang labis na pagdadrama.

Hintayin niyo yung ending, tignan ko lang kung hindi kayo maghanap ng tissue.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s