REVIEWS – TED; Sta. Niña

Artipisyal
Rebyu ni Vives Anunciacion
September 30, 2012

Ted
Written and directed by Seth MacFarlane
R18 in select theaters

Wala akong teddy bear nung bata ako. Meron ako noong malaking stuffed lion na sinasakyan ko tapos nagkukunkunwari akong si Tarzan. Pero hindi ko hiniling na mabuhay yung stuffed lion.

Sa bisa ng isang Christmas wish, mabubuhay ang teddy bear ng batang si John at ituturin niya itong best friend hanggang sa paglaki. ni John (Mark Wahlberg) at maging girlfriend nito si Lori (Mila Kunis.) Yun lang ay kahit matanda na si John ay parang hindi niya kayang mawalay kay Ted (boses ni Seth MacFarlane), bagay na pagmumulan ng problema nila ni Lori.

Nakakatawa ang Ted sa simula – nakaaaliw ang konsepto ng isang teddy bear na nagsasalita, nagmumura at gumagawa ng mga bagay na ginagawa ng isang adult na lalaki. Pero hindi magtatagal ay magiging paulit-ulit na ang mga sitwasyon kung saan malalagay si John sa alanganin dahil kay Ted.

Mabilis naman ang pagtapon ng mga one-line jokes. Lalu na yung mga walang kinalaman sa kwento, basta masabi lang yung kalokohan. Pero maliban sa paglalarawan nito sa isang lalaki na ayaw mag-mature, wala naman ibang mensahe ang Ted.

Sta. Niña
Written and directed by Emmanuel Palo

Sa mga buhangin ng lahar sa Pampanga, mabubungkal ang ataul ng anak ni Paul (Coco Martin) na sampung taon nang nakalibing. Sa loob ng kabaong ang katawan ng anak na tila hindi naagnas. Sa paniniwala ni Paul, isa itong milagro na hindi niya dapat bitawan. Hindi magtatagal, pipila ang mga kanayon ni Paul upang masilayan ang “nagmimilagrong” si Marikit. Tutol dito ang ina ni Marikit at dating kasintahang si Madel (Alessandra de Rossi), pati ang Simbahang Katoliko na ayaw kilanlin si Marikit bilang santa.

Napakagandang tignan nitong pelikula. Parang nabuhusan ng pera ang produksiyon – may aerial shot pa ng trak. Isinasalarawan ng Sta. Niña ang kababawan ng pananampalataya ng karaniwang Katolikong Pilipino na nagtitiwala sa mga imahe ng santo.

Gusto ko sana ang cynical na paglalarawang ito, dahil sang-ayon ako sa pananaw na ito.

Lamang, sa aking panlasa, nasobrahan yata sa pagpapaganda ang pelikula at inayawan ko na itong paniwalaan.

Nagsusumamo ang pelikula na mapansin ang husay nito sa direksiyon. Lahat ng aktor, “umaakting,” pati ang mga extra. Tuwing hindi lilingon si Paul kapag kausap si Madel, sa mga TV-style pause-bago-sabihin-ang-pangalan ng pinag-uusapan, sa mga pag-angat ng Arsobispo (Leo Martinez) sa kaniyang abito na akala mo’y ang eksena ay ginanap sa panahon ng mga Kastila – dinerehe ang produksyon. Sa Ingles, ito ang nais kong sabihin: Sta. Niña is a beautifully-realized artifice. Kaaya-ayang peke.

Batid ko ang kwestyunin ng pelikula kung saan nilalagay ng mga manonood ang kanilang pananampalataya, pero hindi nito hayagang isinasantabi ang relihiyon. It seems the director is agnostic, and not completely atheist. Nasa gitna pa ng ilog, pwedeng dumerteso o bumalik.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s