REVIEW – G.I. Joe: Retaliation (in Taglish)

Go again
Review by Vives Anunciacion
Published February 2, 2013
Inquirer Libre

G.I. Joe: Retaliation
Directed by Jon M. Chu

On a normal day, hindi ko irerekomendang panoorin ito. But because it stars my favorite Korean actor, I will let this pass. G.I.Joe: Retaliation is more explosive, more action-packed than its 2009 predecessor – and still a big jumble of a narrative mess.

Napanood ko lang ang G.I.Joe: The Rise of Cobra sa DVD last year. Pero ang Korean actor na si Byung-hun Lee (na gumaganap bilang Storm Shadow sa G.I.Joe series) matagal ko nang napanood sa A Bittersweet Life (2005) at sa I Saw the Devil (2010.) Siya rin yung bida sa Koreanovelang Iris bilang Kim Hyun-jun. Kaya naman inabangan ko ang Retaliation.

Kung fan ka ng ganitong klaseng action films (urban military+ninja martial arts) baka magustuan niyo ang Retaliation. Lalo na ang 10-minute action scene sa Himalayan mountains involving Storm Shadow (Lee), ang kaniyang katunggaling si Snake Eyes (Ray Park) at ang bagong Joe/Jane na si Jinx (Elodie Yung).

Medyo kadugtong ng Rise of Cobra ang Retaliation. Sa White House magmumula ang bagong kalaban ng mga Joe na magiging dahilan ng kanilang pagkaubos. Si Roadblock (Dwayne Johnson) ang magiging bagong leader ng natitirang Joes na kailangang ma-infiltrate ang seguridad ng President (Jonathan Pryce) upang mapigilan ang pagbabalik ni Cobra Commander at malinis ang pangngalan ng mga Joes. Katulong nila sa oprerasyong ito si General Joe mismo (Bruce Willis.)

Gaya ng sinabi ko, ang gusto ko lang dito ay ang mas mahabang mga eksena involving Storm Shadow. It’s very clear naman na gusto gumawa ng Hasbro ng isa pang prangkisa na sing successful ng mga laruan nilang Transformers.

Panoorin niyo rito si Byung-hun Lee, pagkatapos, hanapin niyo ang mga Korean movies na nilabasan niya (lalu na yung binanggit ko sa itaas.) Hindi kayo magtataka kung bakit siya kinuha ng Hollywood. Promise.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s