REVIEW – Mama (in Filipino)

Inaykupo
Rebyu ni Vives Anunciacion
Unpublished

Mama
Directed by Andres Muschietti

Normally hindi ko na irerebyu ang isang horror movie dahil kadalasan pinapanood naman ito ng publiko maganda man o hindi. Madalas ang pakay naman ng mga Pinoy ay ang manood sila ng barkada o ng ka-date at magtakutan sa sinehan. Parang amusement ride.

Gawa ng first-time full-length movie director Andres Muschietti, ang Mama ay tungkol sa walang-hanggang pagmamahal ng isang magulang sa kaniyang mga anak – pagmamahal na tumatawid kahit sa kabilang dako.

Naulila at lumaki sa gitna ng kagubatan ang magkapatid na Victoria (Megan Charpentier) at Lilly (Isabelle Nélisse) matapos patayin ng kanilang ama (Nikolaj Coster-Waldau) ang kanilang ina dahil sa selos at mamatay naman ang ama sa car accident nang tangayin nito ang dalawang bata.

Pagkatapos ng limang taon, matatagpuan ang magkapatid at mililipat sa pangangalaga ng kanilang tiyuhing kambal ng ama (si Waldau ulit) at ng girlfriend nitong si Annabel (Jessica Chastain). Pero kakaiba na ang pagkikilos ng dalawang bata at isang misteryo kung paano sila nabuhay sa kagubatan sa loob ng limang taon. Sa tuwing tatanungin ang mga bata, ang kanilang nasasagot lamang ay, “mama.” Sa tulong ng isang behavioral psychologist (Daniel Kash), hindi maglalaon na malalaman ni Annabel kung sino o ano si “Mama.”

Mahusay naman ang pagkakagawa ng Mama mula sa mood na inestablish ng cinematography, sa pagbuild-up ng kwento hanggang sa huli at pati na rin sa pagganap ng mga aktor lalu na ng mga bata. Parang pinaghalong Hollywood horror at Asian horror ang Mama, sa tradisyon ng mga nakagugulat at nakaka-tense na The Grudge mula sa Korea (complete with deformed bodies) at siguro kaunting The Ring (Ringu) part 3 (Ring: 0) o kaya’y The Orphanage ng Mexico.

Pamilyar na yung tema ng naghihiganting multo at karamihan sa mga teknik na panggulat ay gasgas na. Pero nahahaluan naman ng talagang tense na moments at ang nakaiintrigang back story ni Mama. Maganda rin ang twist sa ending kung ano ang mas matimbang sa dalawang bata. Pero bago makarating doon, the usual stuff.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s