REVIEW – On The Job (in Taglish)

Very good
Review by Vives Anunciacion
Published September 2, 2013
Inquirer Libre

On the Job
Directed by Erik Matti
R16

Nasa On the Job na ang lahat ng dahilan upang tangkilikin natin ang pelikulang Pilipino. Mahusay na direksyon, script, acting, makabuluhang kwento, quality production, napapanahong mensahe, action, drama. Kung kaya’t kasalanan na ng manonood kung ito pa’y palampasin. Sa sinehan po, huwag sa pirated.

Tungkol ito sa malalim na kaugnayan ng isang master gun-for-hire at ng kanyang bagitong back-up at kung paano napapaloob ang mga gaya nilang kriminal sa kurupsyong nanunuot sa lahat ng aspeto ng ating lipunan. Joel Torre electrifies as the aging veteran hit man/ gun for hire Tatang who trains his back-up Daniel (Gerald Anderson) of the “art” of killing.

Police sergeant Acosta (Joey Marquez) is the investigating officer who uncovers a web of crime linked to the country’s top politicians and military (Michael de Mesa and Leo Martinez,) but his investigations are interrupted when Agent Coronel of the NBI (Piolo Pascual) takes over.

Ang mga kaganapan sa OTJ naglalarawan kung paanong ang mga kriminal gaya nina Tatang ay kasangkap sa pagpapalakad ng pamahalaan ng Pilipinas, kung paano nagiging bahagi ng kurupsyon ang bagong henerasyon (sa katauhan ni Daniel), kung paano kalabanin ng mga mabubuting pwersa ng batas (Sgt. Acosta) ang kurupsyong ito, at kung paano natutukso ng kurupsyon ang sana ay pag-asa ng bayan (Agent Coronel.) Ayaw ko ilahad lahat para manatili ang surprise.

Erik Matti’s On the Job is an excellent crime thriller in the vein of Asian action thrillers gaya ng Infernal Affairs, The Killer at Hard Boiled (Hong Kong,) A Bittersweet Life, The Man From Nowhere at Oldboy (South Korea.) Nga lang ay hindi maaaring masabing hard action talaga ang OTJ dahil wala itong heavily choreographed action stunts tulad ng mga Hong Kong action films. Pero pwede na nating idagdag ang OTJ sa listahang thriller. Ang mahalaga ay mayroon nang crime thriller na nagpapakita ng complexites ng corruption sa ating lipunan, na may tiyak na Filipino flavor. Parang throwback ito sa mga panahon ni FPJ, pero di tulad ng mga karakter ni Da King, isang complex na masamang tao talaga si Tatang.

Hindi matatawaran ang husay nina Joey Marquez at Gerald Anderson sa pagganap sa kanilang mga karakter. Sa kabuuan, top-notch performances ang buong cast. May maliit lang akong pag-aalinlangan sa pagkakasulat sa karakter at mga eksena ni Piolo, kung kaya’t ang kaniyang pagganap ang hindi ko nagustuhan masyado. Pero sa pangkalahatan, mahusay lahat ng aspeto nito gaya ng sinabi ko sa simula.

Kung kaya’t wala nang dahilan upang umangal pa tayo sa antas ng Pelikulang Pilipino dahil may mga tulad ng OTJ na nagpapaalala sa atin sa husay ng sariling gawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s