REVIEW – World War Z (in Filipino)

Kaka-stress
Review by Vives Anunciacion
Published June 28, 2013
Inquirer Libre

World War Z
Directed by Marc Forster
Based on the novel by Max Brooks

Nakaka-stress ang mga zombies sa World War Z. Tense lang yung pelikula from start to (almost) the finish. Pagbigyan na lang natin na iba ito sa aklat na pinanggalingan ng kwento.

Sa peiikula, isang United Nations recovery specialist si Gerry Lane (Brad Pitt) na inatasan ng mga nalalabi sa US  government at Armed Forces na hanapin ang pinanggalingan ng zombie virus na mabilis na kumalat sa sangkatauhan upang mahanapan ito ng lunas. Sa bilis ng mga pangyayari, ang gusto lang naman ni Gerry ay mapayapang makapiling ang kaniyang pamilya.

Here’s the deal: it doesn’t make any sense. Liban sa paghahanap ng lunas sa virus, wala naman talagang laman masyado ang kwento. Oo nag-aalala si Gerry sa pamilya niya, at nandon ang drama ng pelikula. Pero hanggang doon lang ang pelikula. Pero exciting ang habulan at paghahanap ng lunas sa zombie virus. Just enjoy the ride.

Ang isang problema kasi ay ang title. Hindi naman ito tradisyunal na zombie movie na may political statement sa kalaliman at hindi rin ito bumabaha ng dugo at lamang loob ng tao. Hindi rin naman ito traditional military war movie.

Consider it as an outbreak movie. Paano na lang kung mutant version yan ng dengue o rabies. Buti na lang, arkipelago ang Pilipinas. Kailangang lumipad ng virus o lumangoy para marating ang malayong lupalop ng Babuyan Islands kung doon ka magtatago.

Ayon kay Forster at Pitt, mas maappreciate ng fans ng libro kung tutuusin itong pelikula bilang bahagi ng isang trilogy. Sinadya din nila umanong ibahin ang atake nila sa karaniwang zombie flicks.

Kung susundin natin ito, ipagpalagay na lang natin na ang pelikulang World War Z ang prequel ng mga kaganapan sa libro, di bale nang may ilang bagay sa aklat na isinalin na sa screen. Technically, mahusay ang set-ups ng pelikula kung paano kumalat sa buong mundo ang virus. Nice touches on the pseudo-documentary footage.

World War Z is a satisfying popcorn thriller that’s not quite a zombie flick and not quite a war movie – but combined, makes for a tension-filled drama told in the eyes of a father who is trying to find a solution not just for the sake of the world, but primarily for the safety of his family.

Sabihin na lang natin na yung mga plot holes nito ay mareresolba ng susunod pang installment nitong trilogy. Pero kung ganito ka-stress ang mga susunod pang WWZ, baka atakehin na ako sa puso niyan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s