REVIEWS – The Conjuring; Kick Ass 2 (in Taglish)

Version 2.0
Reviews by Vives Anunciacion
Published August 20, 2013
Inquirer Libre

Kick Ass 2
Directed by Jeff Wadlow
Based on the comic book by Mark Millar and John Romita Jr.

Successfull ang unang Kick Ass movie sa takilya noong 2010 kaya agad itong nasundan ng bagong series ng graphic novels at ngayon ang sequel movie. Kick Ass 2 retains the humor of the first movie, but with more screen violence at bawas na yung subversive philosophical weight.

Dahil kay Kick Ass (Aaron Taylor-Johnson), dumami na ang mga naka-costume na vigilante sa lungsod, kabilang na ang grupong Justice Forever led by Col. Stars and Stripes (Jim Carrey) na sasalihan ni Kick Ass.Titigil naman ang teen-ager nang si Mindy (Chloë Grace Moretz) sa pagiging Hit Girl sa pag-uudyok ng kanyang amaing pulis (Morris Chestnut.)

Ito ang sasamantalahin ng dating Red Mist (Christopher Mintz-Plasse) upang paghigantihan ang pagkamatay ng kanyang ama. Gamit ang yaman at Twitter, bubuo siya ng grupo ng super-villains at ipakikilala ang sarili bilang unang super-villain na MotherF***r.

Mababaw ang kwento ng part 2 na umiikot sa pagiging teen-ager ni Mindy at sa paghahanap ni Kick Ass ng makakasama laban sa krimen. Di tulad ng unang pelikula kung saan inilarawan ang obsession natin sa comic book superheroes, video games at social media, at pinabilib tayo sa kakayahan ng isang 11-year old na bata sa kabila ng kabastusan ng bibig nito, inilalarawan ng part 2 na walang masama sa pag-gawa ng karahasan. Pero siyempre, hindi na parehas ang effect ng murahan dito dahil matanda na rin si Hit Girl.

The Conjuring
Directed by James Wan

Malamang narinig niyo na ang hype. Malamang panonoorin niyo ito ng barkada niyo. Okay lang. Pagsama-samahin niyo ang mga paborito niyong horror film at The Conjuring ang magiging resulta.

Iimbistigahan ng mag-asawang paranormal expert na Ed at Lorraine Warren (Patrick Wilson at Vera Farmiga) ang kaso ng Perron family na naging biktima ng malagim na panghahasik pagkalipat nila sa kanilang bagong tahanan. Ang kabuuan ang pelikula ay ang mga kaganapan habang iniimbistigahan ng mga Warren ang mga nangyayari sa bahay. Of course I can’t reveal the surprises.

Sa tutoo lang, sobrang nipis ng kwento nito. Hindi masabi kung ang kwento ba ay tungkol sa relasyon ng pamilyang Perron, kung sa mag-asawang Warren o kay Lorraine lang, kung kay Carolyn Perron (Lili Taylor) o sa bahay o sa mga multo. Tanggalin natin lahat ng kagugulatan, ang pelikula ay pirapirasong imbestigasyon ng Warrens.

Ilista natin ang mga elemento ng pinakasikat na horror film, gawan ng mahusay na disenyong produksyon, magandang cinematography at sound at ito ang kalalabasan. Cursed objects? Check. Creepy female vengeful ghost na magulo ang buhok? Check. Ghost children? Check. Demonic possession at Exorcisms? Check. Bahay sa liblib na lugar? Single-light point-of-view camera parang Blair Witch? Check, check, check.

Ang hindi ko sinabi ay pangit ito. Kaya, alam niyo na. Bawal manood mag-isa. At wag muna gigising ng 3:07 ng madaling araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s