REVIEWS – This is the End; The Way Way Back; Transit; About Time (in Filipino)

Halo-halo together
Reviews by Vives Anunciacion

Pahirapan ngayon mag-kumbinse sa audience na manood ng pelikulang hindi masyadong kilala. Sa dami ng lalabas na pelikula mula ngayon hanggang sa mga susunod na linggo, hindi sapat ang espasyo ko para mabanggit lahat nang dapat. Ilabas na ang lapis at papel, ang mga nakalista rito ay mga palabas ngayong linggo.

This is The End (R16)

Kung gusto niyo ng walang sabit na katatawanan, pwede niyong subukan ang This Is The End. Susubukan nina James Franco, Jonah Hill,  Craig Robinson, Danny McBride na mag-survive sa katapusan ng mundo habang nilalamon ng lupa ang mga gaya nina MIchael Cera at Christopher Mintz-Plasse samantalang inaayos nina Seth Rogen at Jay Baruchel ang kanilang pagkakaibigan. Andito rin sina Rihanna at Emma Watson. Lahat sila ay bilang sarili nila.

Pwedeng sabihing komentaryo ito sa kababawan ng ilan, lalu na ng rich & famous samantalang may mga kaguluhang nangyayari sa ibang bahagi ng mundo. Pero kung hindi mo ito seseryosohin, isipin mo na lang na ito ang katawa-tawang nangyayari sa mga Hollywood celebrities kapag nagunaw na ang mundo at wala nang halaga ang kanilang katanyagan.

About Time

Isang light romance-drama ang British movie na About Time. Tungkol ito kay Tim (Domhnall Gleeson) na may limitadong kakayahang bumalik sa panahon at kung paano niya ito ginamit upang mapa-ibig sa kaniya si Mary (Rachel McAdams.) Sa kabuuan, isang touching father-son story ito tungkol sa hindi pag-aaksaya sa panahon habang nabubuhay pa tayo. Charming sa simula, pero na-kornihan ako sa mensahe nito sa huli. At hindi yata tama na isang palabas sa sinehan ang magsasabi pa na huwag mag-aksaya ng panahong kasama ang mga mahal sa buhay.

The Way Way Back

Kung feel-good na coming-of-age movie naman, subukan ang The Way Way Back. Tungkol ito sa summer vacation experience ng mahiyain na si Duncan (Liam James,) na nakahanap ng bagong mga kaibigan sa mga staff ng Water Wizz water park at sa happy-go-lucky na may ari nitong si Owen (Sam Rockwell.) Ipinapaalala ng pelikulang ito na hindi lang sa mga kamag-anak at sa bahay matatagpuan ang tunay na kahulugan ng pamilya – sa mga paraang may kurot sa puso at katatawanan. Mula ito sa mga gumawa ng Little Miss Sunshine, puno ng punchlines at mahuhusay na pagganap, lalu na mula kay Rockwell. Good vibes lang, highly recommended.

Transit

(this paragraph was edited out in the print version)

Nanalo naman ng maraming award sa katatapos lang na Cinemalaya Film Festival ang indie na Transit. Tungkol ito sa sitwasyon ng mga batang half-Israeli na hindi nire-recognize ng gobyernong Israel bilang citizen, at kung paano ito ginagawan ng paraan ng mga pamilyang may half-Israeli children tulad ni Moises (Ping Medina) na single-father na OFW na itinatago ang anak na Joshua (Marc Justine Alvarez) sa tahanan ni Janet (Irma Adlawan) na may anak ding half-Israeli (Jasmine Curtis Smith.) Mahuhusay na pagganap, magandang produksyon. Medyo jumpy lang ang pagkakaputol ng kwento.

Sineng Pambansa

Palabas din mula Setyembre 11-17 ang Sineng Pambansa: All Masters Edition na exclusive sa SM Cinemas bilang proyekto ng Film Development Council of the Philippines. Tampok dito ang mga bagong pelikula ng mga veteran directors tulad nina Maryo J. de los Reyes (Bamboo Flowers), Tikoy Aguiluz (Eman), Chito Roño (Badil), Joel Lamangan (Lihis), Gil Portes (Ang Tag-Araw ni Twinkle), Mel Chionglo (Lauriana), Peque Gallaga and Lore Reyes (Sonata), Romy Suzara (Tinik), Joey Javier Reyes (Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap), Elwood Perez (Otso.) Ipalalabas din ang huling pelikula ni Celso Ad Castillo (Bahay ng Lagim) bilang tribute.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s