REVIEWS – Turbo; Man of Tai Chi (in Taglish)

It’s fast, he’s furious
Reviews by Vives Anunciacion
Published
Inquirer Libre

Two movies about knowing the true self – one is about a snail who wants to be the fastest, the other is a martial arts apprentice who wants to be the best. Parehas silang ginawa ng directors na first-time nag-mando ng full-length movie. Guess which is more entertaining.

Turbo
Directed by David Soren

Si Theo (boses ni Ryan Reynolds) ay isang garden snail na nangangarap maging racer tulad ng kanyang idol na race driver sa napapanood niyang palabas. Dahil sa isang aksidente, magkakaroon siya ng power na maging mabilis – sobrang bilis na pwede na siyang kumarera sa Indy 500. Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang kuya na si Chet (Paul Giamatti), tutulungan si Turbo ng kaniyang mga kaibigan at ng kaniyang human owner na si Tito (Michael Peña.)

Nakakaaliw ang Turbo sa kabila ng pagka-predictable ng kwento. At hindi ito nalalayo sa mga animation tungkol sa dreams and ambitions tulad ng Cars ng Pixar. Sa tutoo lang, medyo nakakatamad sundan ang kwento dahil marami na tayong napanood na ganoon ang tema.

Pero may magagandang bahagi ang pelikula. Yung Eye of The Tiger sequence kung saan nag-eensayo na si Turbo, yung parallel stories ng magkakapatid na Turbo & Chet at Tito & Angelo (Luis Guzman) kung saan hindi suportado ng mga praktikal na kuya ang mga ambisyon ng nakababatang kapatid.

Maganda ang design ng mga characters, mukha silang mga laruan na pwedeng pagkarerahin. Manipis lang talaga ang kwento at over-all concept, hindi sing complex ng ibang DreamWorks na animation tulad ng unang Kung Fu Panda at How To Train Your Dragon. Sa kabila nito, hindi mo maiiwasang mag-cheer kay Turbo tungo sa finish line.

Man of Tai Chi
Directed by Keanu Reeves

Tulad ng ibang martial arts film kung saan kailangang maintindihan ng apprentice ang tunay na layunin ng martial art upang ma-harness ang powers nito, ang Man of Tai Chi ay tungkol sa isang apprentice na nahumaling sa sarili niyang kahusayan bago niya naintindihan ang tunay na kahalagahan ng Tai Chi.

Directed by The Matrix star Keanu Reeves, starring dito sa Man of Tai Chi si Tiger Chen na dating stunt man sa Matrix. Sa kwento, isang Tai Chi apprentice si Tiger na nagsa-sideline bilang martial arts olympics fighter at parcel delivery boy (yung tipong LBC or DHL.) Dahil sa angking galing, kukunin siyang makipaglaban sa illegal underground universal fighter-type na sports na kontrolado ng mayamang businessman na si Donaka Mark (Keanu Reeves.) Dahil sa pangangailangan, papayag si Chen na lumaban gamit ang kaniyang mga natutunan sa Tai Chi, pero hindi maglalaon, mangingibabaw ang kagustuhan niyang maging pinakamahusay na fighter kaysa ang gamitin ang kanyang kahusayan sa mabuting paraan.

Di tulad ng mga naunang martial arts films na nagbibigay pugay at karangalan sa partikular na martial art (wushu sa Ip Man, at ibat-ibang teknik sa The Grandmaster ng batikang direktor na Wong Kar Wai), ang Man of Tai Chi ay hindi tungkol sa pilosopiya ng Tai Chi kundi sa internal struggle ni Chen na makontrol ang kanyang desires. Sa ganyang paraan medyo sablay na yung title ng pelikula pa lang.

Samahan na natin ng nakaiiritang akting (or kawalan ng acting) ni Reeves at kung bakit at ano talaga ang pakay niya sa buhay at nagpapatakbo siya ng illegal sporting game. Basta lang gusto niya. And surprise, magaling sa martial arts ang karakter niya kung kaya may engrandeng fight scene sila ni Chen.

Hindi naman masagwa nang sukdulan ang pelikula, pero malayong-malayo ito na maging magandang martial arts movie. Pwede na pagtyagaan yung mga action scenes, wag na nating pansinin ang kwentong wala namang ipinakitang bago na hindi pa natin napanood.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s