REVIEWS – We’re the Millers; No One Lives; Lihis (in Filipino)

Unexpected
Reviews by Vives Anunciacion
Published September 16, 2013
Inquirer Libre

Patuloy ang pagbaha ng mga pelikula ngayong buwan, partikular ang mga ipalalabas ngayong Miyerkules, liban pa sa mga lumabas nitong nakaraang linggo. Tulad nung isang linggo, pili pili ng panonoorin pag may time.

We’re The Millers
Directed by Rawson Marshall Thurber
(R16/ Comedy)

Nagulat ako na natawa ako dito. Inakala kong hindi ako ma-eenjoy sa kwento ng isang grupo ng mga halang ang kaluluwa na nagpanggap maging isang pamilya upang makapuslit ng droga sa US border.

Hindi kailangnan pag-isipan ng malalim ang kwento nito. Habang nagbibiyahe sina David (Jason Sudekis), Rose (Jennifer Aniston), Casey (Emma Roberts) at Kenny (Will Poulter) patungo sa Mexico, unti-unting nag-aasal na tunay na pamilya ang grupo. Happy ending, maraming cheap punchlines at nakakatawa rin ang blooper reel sa dulo.

Karamihan ng katatawanan ay mga puchline tungkol sa body parts – ganyan siyang tipo ng pelikula. Pero nakatutulong na mas nagiging kakatawa ang punchlines na ito dahil sa charming na interaction ng cast. Good casting made this movie bearable.

No One Lives
Directed by Ryuhei Kitamura
(R18/ Suspense)

Heto yung kung tawagin ay B movie – yung tipo na 2nd runner up lang lagi sa artista, sa kwento at sa production value. Yung kinakabit na pangalawang pelikula sa Double Show sa probinsya.

Tungkol ito sa pagbabaligtad ng kapalaran ng isang grupo ng mga magnanakaw at ang binihag nilang magkasintahan. Ang biktima pala ay mambibiktima. Lumalabas na isang psychopathic killer ang character ni Luke Evans, na isa-isang papatayin ang mga miyembro ng grupo.

Tampok dito ang ilang WWE-type wrestling smackdowns bilang karagdagang aksiyon sa bumabahang dugo, laman loob at putol na body parts. Para itong Friday the 13th na ang pumapatay ay si The Punisher (complete with different kinds of weapons at long jacket) na may baluktot na paniniwala sa pagpatay gaya ni Hannibal. Yun na. Wala siyang sense.

Lihis
Directed by Joel Lamangan
(R18/ Drama)

Gusto yata ni direk Joel Lamangan na mabanggit ang lahat ng issue sa lipunan kaya sa unang 15 minuto ay mababanggit na lang ang kurapsyon, oil price hike, extra-judicial killings, komunismo, riding-n-tandem killers, etcetera, etcetera. Ganyan naman talaga siksik sa pagpapahalaga sa sarili ang mga Lamangan films, hindi lang dahil bahagi ito ng Sineng Pambansa: All Masters Edition.

Ang tawag ko rito ay Brokeback Mountain: NPA edition dahil kwento ito ng dalawang lalaki (Joem Bascon/Ka Felix, Jake Cuenca/Ka Jimmy) na bahagi ng armadong pakikibaka noong 1970s na nahulog ang kalooban sa isa’t isa. Nakapaloob ang kwentong ito sa kwento ni Ada (Isabelle Daza) sa panahon ni Arroyo pagkatapos ng Edsa Dos. Sina Lovie Poe at Gloria Diaz ang gumanap bilang bata at matandang Celcilia, asawa ni Ka Felix.

Kung tutuusin, ito na marahil ang isa sa pinaka-pulidong pelikula mula kay Lamangan. Pero marami akong hindi pinaniniwalaan sa paglalahad nito ng bawal na pag-ibig nina Felix at Jimmy na hindi malinaw ang malalim na pinanggagalingan (magkaiba sila ng pulitika), liban sa tawag ng laman na hindi naman itinago ng kamera ni Lamangan. Pwet kung pwet.

Sa pagkakaalam ko, alam ni Lamangan na walang Katolisismo sa Kilusan (na tinawag na Kasamahan sa pelikula,) walang binyag, walang Pasko. Ano ang nais iparating ng Lihis? Wala na hindi ko pa napanood noon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s